ang makabagong alamat ng ampalaya

Alam nyo ba na hindi orihinal na mapait ang lasa
at kulubot ang balat ng ampalaya ?
nagsimula lamang itong mangyari noong ….

Isang araw *black and white scene*

Si Ampa ay masayang umaawit sa bakuran
kung saan sya nakatanim
kasama ang iba pang uri ng gulay

Si Ampa ay tulad ng mga pananim na may makikinis na balat,
ngunit sa lasa, di hamak na mas matamis ang lahi nila.

Maliit pa lamang si Ampa ay marami na
ang naaliw sa kanyang kabibuhan…
malambing, at natural ang pagiging masayahin nya ..

Mabalis ngang lumipas ang panahon at lumaki na nga si Ampa,
isa na sya sa mga napili upang dalhin sa kabihasnan
upang ibenta ..

May takot si Ampa habang nasa byahe sya
kasama ang iba pang mga gulay..
pero kailangan na nyang dalhin doon
at handa naman sya sa gantong pangyayari ..

Maikli lang ang itatagal ng lahi nila, at alam iyon ni Ampa
kaya nga’t hanggat maaari ay iniiwasan nya ang masaktan,
gusto nyang maging masaya ..

“Masyadong maikli ang aking buhay, at ayokong ako ang unang
dumanas ng sumpa,
kaya dapat ko ng sulitin ang bawat kong araw,
ayokong maging malungkot, ayokong masaktan”

ito ang palagi nyang wika .

at ilang sandali pa nga, naabot na nila ang patutunguhan..

“Ito pala ang sinasabi nilang Maynila,
nagmamadali ang lahat ng mga tao ..
parang may mga hinahabol ..
sana maging masaya ang karanasan ko dito ..”
sabi ni Ampa

Nakarating na sila sa SM (dun kasi nakahandang ibenta si Ampa at mga ksama nito)

“Malamig pala dito, hindi katulad sa probinsya, mainet ..
pero tahimik naman duon, kumpara dito”
puna ni Ampa

Nakaidlip pa si Ampa dahil na rin sa kapaguran sa byahe

Mabilis na lumipas ang mga segundo, minuto at mga oras..

“Ang ingay naman, anu kayang nangyayari ?”
pupungas pungas pa ang mata ni Ampa habang
lumilingon sya sa pinanggagalingan ng ingay..

May nakita syang paparating na iba pang grupo ng gulay,
pero may isang namumukod tanging nakangiti sa kanya ..

“iba ang dating nya .. hmmm, maangas!”
natatawang sabi ni Ampa sa kanyang sarili

Malapit kay Ampa ang pinagbabaan ng tindero ang
bagong dating na mga gulay ..

“Hi! ako nga pala si upo, kamusta ?
bago ka din ba dito ? anong pangalan mo “
ang masayang bati ni Upo kay Ampa

“Ampa, uo, pero kani-kanina na pa ako rito.
Upo ? hmm.. akala ko nama’y iisa ang lahi natin ..”

sagot naman ni Ampa

“Akala ko nga rin, mejo may pagkakahawig nga tayo
maliban sa sukat natin ..”
nakangiting sabi ni Upo

Naging komportable agad ang loob nila sa isa’t-isa.
Marami silang mga napagusapan
at naikwento rin ni Ampa ang lugar kung saan sya nagmula

Ilang oras, araw at linggo pa ang lumipas
mas naging palagay pa ang loob ng dalawang magkaibigan
sa isa’t-isa..

Makulit si Upo, palabiro at
magaling pang itong umawit ..
Matalino, at maraming natututuhan si Ampa kay Upo
meron ring mga itinurong bagay kay Ampa si Upo
bagay na kinahihiligan nito ..

Araw araw silang nagkkwentuhan
at dahil nga nasa likurang bahagi sila ng stante
hindi pa sila nabibili..

Natural nga ang pagiging masayahin ni Ampa,
pero meron parin syang mga nilalagay na limitasyon
sa mga taong malalapit sa kanya,
iniiwasan nya ang damdaming iyon ..
Tulad ng pag-alis nya sa kanyang pinagmulan na lugar
meron syang mga naiwan na kaibigan ..
mga gulay na napalapit narin sa kanya ..

ayaw nya ng nangiiwan ..
ayaw nya ng pakiramdam na iniiwanan ..

Pero sa kabila ng lahat, sa kabila ng pagbabantay nya sa kanyang sarili
hindi nya narin namalayan na maging msayadong
mapalapit sa kaibigang si Upo ..

Nakadagdag pa rito ang pagkakadiskubre nya
ng mga parehong bagay na kinahihiligan nila..
Ang magbasa, ang kumuha ng mga litrato at
higit sa lahat ..
katulad ni Ampa, ayaw din ni Upo ang pakiramdam ng
iniiwanan ..

Ayaw ni Upo ng nagiiwanan ..

Naikwento rin ni Ampa ang mga plano
nya sa buhay, ang mga pangarap nya
at pati narin ang mga hinanaing at kabiguan sa buhay ..

at sa lahat ng iyon,
suporta at pag papalakas ng loob ang nakukuha nya
kay Upo .. kaya ganun na lamang ang pagkakalapit
ng loob ni Ampa sa kanya ..

Twing gabi, sarado na ang buong mall,
namamasyal ang dalawang magkaibigan ..
at ng gabing iyon, napa gawi naman sila sa hanay ng
mga laruan, at dahil nga tanim sa probinsya si Ampa
bago ang lahat para sa kanya ang mga nakikita

“Huwag kang matakot, tubong Maynila ako,
dito na ako itinanim, Oo nga at bago rin lang sa mall
pero base sa mga naririnig kong kwento sa mga tao samin
alam na alam ko na ang gagawin dito”
paninigurado ni Upo kay Ampa..

“Waw! ano un umaandar”
habang itinuturo ni Ampa ang tren na laruan sa Toy Kingdom
“ang galing ! parang mga higad pero msyado silang
mabibilis, at malalaki..”

manghang manghang pagkakasabi ni Ampa

“iyan ? yan na ata ang tinatawag nilang tren,
nung papunta kami sakay ng truck, nakita ko yan sa aming dinaanan ..
mas malalaki at mabibilis ang tunay na tren ..
gusto mo bang sumakay tayo dun ? Tara ?”

aya ni Upo kay Ampa

“pano mo nalaman na nais ko ngang sumakay duon ?
ang galing ah!”

“Alam ko lang, sa mga mata mo palang nakikita ko na”
nakangiting sagot ni Upo kay Ampa

“Ang cheesy . hahaha!”

Hawak ang kamay ni Ampa, nagsimula na silang lumakad,
umakyat ng matataas na hagdan, hanggang sa maabot ang stante
kung saan may awtomatikong tren ang paikot-ikot.

“natatakot ako, baka matuba tayo..
walang upuan..”
bakas ang takot sa boses ni Ampa

“Huwag kang matakot, nandito ako sandal ka lang..
sa akin lang .. kaya kita”

ang pagpapanatag na sabi ni Upo kay Ampa

At natapos nga ang pagsakay nila sa tren,
nakadalawang beses din iyon
maraming mga manikang awtomatiko rin ang gumagalaw
na nakakasalubong nila ..

Nasisikipan si Ampa, kaya naman hinahayaan na
lamang nya na mauna na ang mga iyon sa kanya

“Kailangan mong maging competitive dito,
dahil kung hindi, kakainin ka nila dito ng buhay..”

payo ni Upo kay Ampa habang hawak nya ito sa balikat

Maikli lamang ang 3 oras, ngunit para kay Ampa
ang tatlong oras na un ng mga bago at unang karanasan ay
napakatagal, at sinisigurado nyang hindi nya iyon malilimutan ..
kahit na ang simpleng pag-upo habang nagpapahinga sila ni Upo
ay inaamin nyang nakapagpapasaya sa kanya.

Dumaan nga ang ilang mga araw,
kasabay din naubos ang mga gulay na nasa unahan
na pwest nila Ampa at Upo

at alam nyang posible na silang mabili sa pagkakataong ito ..

At dumating na nga ang kanilang paghihiwalay..

Meron ng kumuha kay Upo .. walang magawa si Ampa..
at wala rin namang bakas ng pagtutol sa mga mata ni Upo
nauunawaan nya ito..
dahil meron din isang klaseng gulay sa basket ng aleng dumampot kay Upo

“Maganda ito,maputi,
makinis, ibang klase.. un na marahil ang
labanos na tinatawag nila
” maiyak iyak na sabi ni Ampa sa sarili nya

Alam nyang magiging masaya si Upo sa bago nitong magiging kaibigan,
sa bago nitong lugar..
hindi naging madali para kay Ampa ang mga pangyayari..

twing naaalala nya ang mga ngiti ni Upo
nung magkasama pa sila, alam nyang higit ang kasiyahan na nakita nya
sa mga mata nito nung kinuha sya nung ale upang ilagay
sa basket nito ..
Hindi nya maaaring lokohin ang sarili ..
mas masaya si Upo sa nangyayari ..

“Naging mabait lamang sya marahil sa akin,
hindi dapat ako nagisip ng kung ano sa mga ipinakita sa akin ni Upo
mabuting gulay lamang siguro talaga sya .., palakaibigan ..
un lang”

humihikbing bulong ni Ampa sa kanyang sarili

“Ikaw kasi eh! alam mo ang bawal, sige ka padin..
diba naglagay ka na ng mga limitasyon? diba ?
bakit ka ganyan ?
bakit ka nasasaktan ? alam mo naman ang mangyayaring kapalit nito diba ?”

saway ni Ampa sa sarli

Hindi na mapigilan ni Ampa ang pagtulo ng kanyang luha
Nasasaktan sya ng todo ..
ng sobra ..
Hindi nya alam ang kung anong pakiramdam ito ..
pero parang may kirot sa loob nya

at habang tumatagal, lumilipas ang bawat oras
nararamdaman nya ang panunuyo ng kanyang mga balat
parang humihigpit ang kanyang mga balat ..
nasasaktan sya, literal na nasasaktan din ang katawan nya
unti unti nyang napansin ang pagbabagong ng kanyang anyo

“Ito na ba ang sumpang sinasabi nila ?
ganto ba ang epekto ng lungkot at sakit ?
ganito ba ang magging kapalit ?”

may bahid na takot sa boses ni Ampa

Kasabay ng pagliwanag ng paligid at
pagsikat ng araw ..
kasunod naman nito ang pagkupas ng kulay ni Ampa

Naging kulubot na ang kanyang buong katawan,
unti-unti na syang nawalan ng emosyon,
tumigas na si Ampa.
mapangit.
malayo na sa dating itsura nya .

at ng umagang iyon, nagtaka ang saleslady ang nadiskubreng
bagay sa mga kasamahan ..
at naisipan nila itong tikman..

“Pwe! anung lasa ito ?
mapait, hindi masarap ..”
sabi pa nito

“Itapon nalang natin , ang lasa nya ay parang
nakakahawa pa sa iba .. masyadong mapait.. hindi masarap”

dagdag pa nito

At itinapon nga nila, si Ampa sa basurahan.

At sa isang banda, nararamdaman ng lahat ng lahi
ni Ampa sa probinsya kung saan sya nagmula
ang pinagdaanan nya ..

Sa kabila ng pagluluksa at kalungkutan nila
sa sinapit ng kaibigan, hindi sila nagpatalo sa pakiramdam na
hatid nito ..

nasabi nalamang nila na
“Ampa, sana ay maka laya ka na sa
iyong kalungkutan”

at bilang paga-alala sa sinapit ni Ampa
kinalaunan ay tinawag nila ang kanilang lahi na

AMPALAYA

–>>first posted on FB notes
Sunday, April 11, 2010 at 11:00pm

About these ads

27 thoughts on “ang makabagong alamat ng ampalaya

  1. wow.bakit kakaiba ito sa pangkaraniwang alamat?

    anung damdamin kaya ang pinaghugutan ng awtor na ito sa kwento?sana malaman ko.hehehe!

    isa itong kwento ng pag ibig panigurado na itinago sa alamat.

    1. kuya, don’t tell me binasa mo to ? maraming nagrereklamo ang haba daw nyan e . haha !

      damdaming pinaghugutan ? .. haha ! haixt .. binaon ko na sya sa limot^^

      salamat kuya

  2. dalawang taon na ang nakalipas buhat noong mabasa ko ito, kamusta na po kaya si Ampa ngayon? :D

    Fan ako ng blog na ito, hindi lang halata, keep posting po sana… ang tagal bago masundan nung huling post :))

    1. seryoso?? Na touch naman ako dun, sa kasalukuyan si ampa ay muling nagpapagaling sa panibagong ‘heartache’ na meron sya ngaun, dpa nadala! Hahaha
      D kc ako mkapag post d ko alam anung problema ng app ko. Maraming salamat!:)

          1. Hahahaha! Pwde ko bang i-like yang comment mo? ‘dapat this time bumawi ka na’ gusto ko yan, baka ikaw kilala mo ko sa totong buhay ha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s